Sugarfree - Reunion Lyrics






Kamusta na?
Matagal na rin tayong di nagkita
Ibang-iba ka na
Ang gabi'y inulan ng ngiti
Habang binabalik-balikan ang nakaraan
At napansin ko lang

Na habang tumatanda, lalong tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
Mga problema sa buhay

Ngayong gabi kahit sandali
Takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
Nung buhay natin ay puno pa ng kulay
Kelan ba nagsimula? Kelan ba tayo tumanda?

Malayo na rin ang ating narating
Mula nang maghalikan ang mga landas natin
May mga mayaman na, may biglang nawala
At may ibang walang nagawa
Kundi manganak ng manganak

Na habang tumatanda, lalong tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
Mga problema sa buhay

Ngayong gabi kahit sandali
Takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
Nung buhay natin ay puno pa ng kulay
Kelan ba nagsimula? Kelan ba tayo tumanda?

Tingnan mo nga naman
Ang nagagawa ng panahon
Kay layo na natin sa noon
Matatapos din ang gabi
Ngunit di maghihiwalay
Ang puso ko at alaala mo

Dahil habang tumatanda, lalong tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
Mga problema sa buhay

Ngayong gabi kahit sandali
Takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
Nung buhay natin ay puno pa ng kulay
Kelan ba nagsimula? Kelan ba tayo tumanda?





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Sugarfree Reunion Comments
  1. D.... D....

    Gagraduate na ako nang High School. nakakamis.

  2. C.... V....

    nakakamis buhay high skul!!!:)