Rivermaya - Ulan Lyrics




Hiwaga ng panahon,
Akbay ng ambon
Sa piyesta ng dahon,
Ako' y sumilong

Daan-daang larawan ang nagdaraan
Sa aking paningin
Daan-daang nakaraan ibinabalik
Ng simoy ng hangin

Tatawa na lamang, at ba' t hihikbi
Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng ulan.
At sinong di mapapasayaw sa ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan

Hinulog ng langit,
Na siyang nag-ampon
Libu-libong ala-alang,
Dala ng ambon

Daan-daang larawan ang nagdaraan
Sa aking paningin
Daan-daang nakaraan ibinabalik
Ng simoy ng hangin

Tatawa na lamang, at bakit hindi
Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng ulan.
At sinong di mapapasayaw sa ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan

Tatawa na lamang, at bakit hindi
Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng ulan.
At sinong di mapapasayaw sa ulan,
At sinong di mababaliw sa ulan

At sinong di aawit kapag umulan,
At sinong di mababaliw sa ulan
At sinong di mapapasayaw sa ulan,
Sinong di mababaliw sa ulan
Ulan, ulan, ulan





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Rivermaya Ulan Comments