Regine Velasquez - Tayong Dalawa Lyrics






Umaga, hapon, maging gabi
Magkahawak-kamay magkatabi
Kailan ma'y di mapaghiwalay
Tayong dalawa habang buhay

Masdan ang buwan at ang mga bituin
Nagsasabay sa pagbigay liwanag sa dilim
Katulad nating nais gawing gabay ng iba
Tinutularan nila tayong dalawa

Sa mundong puno ng pasakit
Tayo ay pinagpalang tunay
Na magkatagpo't mabuhay
Para sa isa't isa
Dalangin ko sana'y
Marami pang iba
Ang maging kasing saya
Nating dalawa

At kung dalangin ko'y kanyang didngin
Magiging paraiso ang munting mundo natin
Tunay na ligaya nawa'y mahanap ng iba
Tulad nating kay palad na magsama
Ikaw at ako
Tayong dalawa





Other Lyrics by Artist

Rand Lyrics

Last Posts

Regine Velasquez Tayong Dalawa Comments
  1. s.... n....

    Kinanta nya to sa soap nyang FOREVER IN MY HEART.. ng asa ospital si rafael..

  2. J.... M....

    Hindi po ito yung sa DIVA, "Walang Iba" yung title ng song na ginamit sa DIVA, from her 2010 album FANTASY. Magkatono lang po.

    Itong kantang to ay ginamit sa movie nila ni Boyet De Leon na Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.

  3. j.... ....

    eto ang gusto kong maging theme song namin ng magiging kabiyak at katuwang ko sa buhay. sana pwede ko ma-invite si regine sa kasal namin at sya ang kumanta nito para sa amin. ang taas ng pangarap 'no? thanks for uploading.

  4. K.... G....

    ngayon ko na lang ulit na appreciate ito...kasi ginagamit na background sa diva kapag nageemote si sampaguita...hehe